Legislative performance ng Kamara, hindi umano apektado ng mga pagbabago sa liderato

Walang naging epekto ang mga nakalipas na kontrobersya at pangyayari sa Kamara sa usad ng legislative performance.

Ito ang tiniyak ni Ways and Means Committee Chairman at Albay Representative Joey Salceda nang matanong ukol sa mga pagbabago sa House leadership.

Sinabi ni Salceda na itinuturing na policy office ang komite at masipag pagdating sa trabaho lalo na sa pagtalima sa direksyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Hindi na umano makikisawsaw ang committee chairpersons na tulad niya dahil nakatutok sila sa polisiya at sumusuporta kay Speaker Martin Romualdez kaya ang usaping pulitika ay problema na ng House leadership at party leaders ng Supermajority Coalition.

Sa katunayan, ibinahagi ni Salceda na nakausap niya si Romualdez at nag-follow up sa policy priorities kabilang ang CREATE MORE Act.

Giit ng kongresista, walang anumang isyu ang makakahadlang sa pagsasakatuparan ng naturang priorities sa Ways and Means Panel lalo’t nagbigay ng specific instructions at deadlines ang liderato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *