LGU Buhi, handang makapagsupply  ng Tilapia sa merkado publiko sa Naga City para sa Peñafrancia Festival

NAGA CITY –100% nang balik normal ang supply ng tilapia sa bayan ng Buhi, Camarines Sur, matapos nga ang naging epekto ng fish kill noong 2022.

Ito ang pagtitityak sa Brigada News FM Naga ni Mark Anthony Nazarrea, Information Officer ng bayan.

Kung saan siniguro rin ng opisyal na sila ay handang makapagbenta ng isda sa merkado publiko sa Naga City lalo na kung mangangailangan para sa Peñafrancia Festival sa susunod na buwan.

Maliban kasi sa Batangas at Navotas, isa ang bayan sa pinagkukunan ng tilapia maging iba pang isda ng Naga City People’s Mall.

Dagdag pa ng opisyal na makakaasa rin ang lungsod ng Naga maging ang ibang merkado na sariwa at masarap ang mga tilapia na nasa Lake Buhi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *