Higit 200 karton ng “undocumented cigarettes”, nakumpiska sa Batangas City

Nakumpiska ng pinagsanib ng puwersa ng mga otoridad ang nasa 231 na malalaking karton at 391 na ream ng hindi dokumentadong sigarilyo sa isang warehouse sa Barangay Cuta, Batangas City.

Ayon sa Philippine Coast Guard – Batangas, nagsagawa ng inspeksyon ang kanilang tanggapan kasama ang Bureau of Customs (BOC)-Batangas matapos na dumating sa warehouse ang karton-kartong mga “undocumented” na sigarilyo nitong Agosto 18.

Kasama ang mga barangay opisyal ay idineliver ng BOC ang letter of authorization at mission order sa may-ari ng warehouse.

Agad ding nagsagawa ng imbentaryo ang Customs sa karton-kartong mga sigarilyo.

Sa ngayon ay binigyan ang may-ari ng warehouse ng 15 araw para magbigay ng mga kinakailangang dokumento para patunayang ang naturang mga sigarilyo ay nagbayad ng kaukulang buwis at mga charges.

Ang mga kinumpiskang sigarilyo ay dinala muna sa isang warehouse sa Sta. Ana, Maynila.

Kasama sa inilunsad na joint operation ang Japan Tobacco International (JTI) Philippines, PCG-Task Force Aduana at Coast Guard K9 Field Operating Unit-Southern Tagalog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *