LGU Camalig, nakamit ang ikatlong pwesto sa regional child-friendly local governance audit ng DILG sa taong 2021

LEGAZPI CITY – Nakamit ng Local Government Unit (LGU) Camalig ang Regional Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) ng Department of the Interior & Local Government (DILG) sa taong 2021.

Napabilang sa ikatlong pwesto sa nasabing parangal ang nasabing pamahalaan, kung saan sa 114 na LGU sa buong rehiyon, nakuha ng Camalig ang top 3 spot na 94.12% rating.

Ang CFLGA ay isang pagtatasa sa pagganap ng mga LGU sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa mga bata na naglalayong isulong at iangat ang kanilang kapakanan.

Aniya, gumagamit ito ng mga indicator na sumasaklaw sa pamamahala sa apat na pangunahing karapatan ng mga bata, katulad ng kaligtasan, pag-unlad, proteksyon at pakikilahok.

Binigyang-diin naman ng alkalde ng nasabing bayan na si Carlos Irwin G. Baldo, Jr. na ang pagsunod ng kanyang administrasyon ay ginawa hindi lamang upang matanggap ang Seal of Child-Friendly Local Governance ngunit upang tuparin ang kanyang pangako sa pagtatatag ng Camalig bilang isang ligtas na kanlungan para sa mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *