LGU Naga, inilabas ang naging report ng DOTR hinggil sa re-orientation project ng Naga Airport

NAGA CITY –Ibinahagi sa media ni Naga City Mayor Son Legacion ang latest update report ng Department of Transportation o DOTr hinggil sa re-orientation program ng Naga Airport na nasa Pili, Camarines Sur sa ginawa nilang Regional Development Council Meeting noong nakaraang linggo.

Ayon sa alkalde, hindi lahat ng mga tanong niya at gustong malaman sa Naga Airport ay naibigay ng DOTr lalo na iyong isyu sa right of way sa sinasabing 135 na ektaryang kakailanganin sa pagpalawak ng airport.

Tanging mga pangako na naman ang kanilang narinig sa ahensiya, sa kabila ng nabanggit  na nasa bidding process na diumano at may notice to proceed na, na ayon sa alkalde ang unang dapat na ma resolbahan ay ang right of way muna.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *