LGU TBoli, nakatanggap ng bagong fire truck

KORONADAL CITY – NAKATANGGAP ng brand new fire truck ang local government unit o LGU TBoli mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG national.

Mismong si Mayor Keo Dayle Tuan ang dumalo sa ceremonial turn-over ng bagong 1000 gallons capacity ng fire truck sa BFP National Headquarters kamakailan lang.

Ito’y malaking tulong sa BFP TBoli sa agarang pagresponde sa panahon ng sunog at iba pang emerhensya.

Isa lamang ang bayan ng TBoli sa 56 na mga LGUs na benepisyaryo ng bagong fire truck na bahagi ng BFP modernization program ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *