Naga city tourism office may mahigt ng 20 mga aplikante para maging tourist guide

NAGA CITY – Naghahanap ngayon ang LGU-Naga ng mga puwedeng maging tourist guide bilang bahagi sa paghahanda sa pagdatingan ng maraming deboto, bisita at turista ngayong Peñafrancia Fiesta Celebration.

Ang trabahong ito ang binuksan sa lahat,l alo na sa mga bagong graduates at working students na may kaalaman sa turismo ng Naga City.

Sa pakikipag-usap sa media at sa Brigada News FM Naga ni Jill Marionne Tapia- Arche, Information and Education Training Officer napag-alaman na may mahigit ng 20 mga aplikante na silang natanggap, karamihan sa mga ito ay sa lungsod naninirahan at nag-aaral.

Puwede aniya ang hindi taga Naga, ang mahalaga ay alam ang mahahalagang lugar at kuwento ng lungsod.

Masaya sina Arche dahil sa marami ang interesadong maging tourist guide na isa sa kailangan ng City Government sa pagpayabong ng turismo na ang deadline ay hanggang bukas na lamang July 14.

Pagdating naman sa sahod at benepisyo, kompleto naman itong maibibigay ng opisina, sabi pa ni Arche.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *