Libreng legal at counseling service para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon, isinagawa

LEGAZPI CITY – Isinagawa sa lalawigan ng Albay ang libreng legal at counseling services para sa mga bakwit ng Bulkang Mayon na isa sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.

Ito ay tinawag na ‘Justice on Wheels,’ na naglalayong magbigay ng legal na tulong at pagpapayo sa lahat ng Albayano nang libre.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng social protection na isa sa five-point development agenda ni Gov. Edcel Grex Lagman para sa mga Albayanong kapos-palad.

Ito ay isinagawa sa mga evacuation centers para makatulong sa mga bakwit na nagnanais na maresolba ang mga problema sa tulong ng mga legal na mga pagpapayo.

Ito ay pinangunahan ng Gobernador ng Albay na si Edcel Greco Lagman.

Nauna nang binisita ng grupo ng mga abogado ang Barangay Sipi at Mi-isi sa Daraga na ngayon ay nasa evacuation center sa Anislag Elementary School.

Maliban sa mga nabanggit, naglunsad din ang PGA ng ‘Payong Legal’ para sa mga kababayang nagnanais o may mga katanungang legal subalit walang kakayahan na kumunsulta sa mga abogado dahil sa kawalan ng pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *