Malakas na ulan, bumagsak sa kasagsagan ng moving up ceremony sa CamHigh

NAGA CITY- Bumuhos ang malakas na ulan sa kasagsagan ng Junior High School moving up ceremony sa Camarines Sur National High School sa Naga City o ang pinakamalaking paaralang pang sekondarya sa lalawigan nitong Huwebes, Hulyo 13, 2023.

Ang mga naka helerang mga upuan ay nabakante , kanya-kanyang silong ang mga estudyante at mga magulang sa mga school buildings na nakapalibot sa venue.   Hindi naging hadlang ang ulan upang ipagpatuloy ang programa. Ayon kay Principal Dr. Sulpicio Alferez III , 2, 046 ang completers.

Sa pagtatapos ng programa sabay-sabay na inawit ang High School March ta tila ba lumalim ang kahulugan sa pagwagayway nila ng mga kamay habang bumubuhos ang ulan.

Ayon kay Rosalie Jaranilla Rito, hindi naman nawala ang kahulugan ang okasyon dahil sa panahon masaya siya dahil matapos ang pandemya wala nang restrictions.

Mababatid na inulan ang lalawigan dahil sa Habagat at Bagyong Dodong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *