Libreng pamasahe at snacks sa magpapabakuna, hindi kinagat ng senior citizens sa bayan ng Castilla, Sorsogon

SORSOGON CITY – ‘Deadma’ sa mga nakakatandang mamamayan ng Castilla, Sorsogon ang inilaang pondo ng local na pamahalaan para sa libreng pamasahe at pa-snacks sa mga senior citizens na magpapabakuna.

Inamin mismo sa Brigada News ng alkalde ng nasabing bayan na si Isagani ‘Bong’ Mendoza na nahihirapan ang kanilang hanay sa pagkumbinsi sa mga senior citizens na magpabakuna kontra Covid-19 sa kabila ng kanilang pagsusumikap.

Matatandaan na nitong nakatalikod na buwan ay naglaan pa sila ng pondo para bigyan ng P200.00 na libreng pamasahe bukod pa sa libreng snacks sa mga magpapabakuna na senior citizens.

Dagdag pa ng opisyal, iginagalang nila ang desisyon ng kanilang nakakatandang mamamayan hinggil rito subalit hindi pa rin umano sila tumitigil sa paghihikayat ng ibang mamamayan na magpabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *