Mas mataas na recoveries sa COVID-19 naitala sa Bicol nitong weekend

BICOL—Nagtala ng mas mataas na bilang ng mga gumaling laban sa COVID-19 ang Bicol region nitong weekend. Umabot sa 477 ang bilang ng mga gumaling kung saan 255 ang naitala nitong Sabado habang 222 naman nitong araw ng Linggo.

Dahil dito, pumalo na sa 30,120 (68.99%) ang total recoveries sa sakit. Sa tala kahapon, pinakamaraming gumaling ay mula sa Camarines Sur na nasa 158, 32 sa Masbate, 24 sa Sorsogon at walo sa Catanduanes.

Sa kabila nito ay mataas naman ang bilang ng mga nasawi na umabot sa 31 matapos magtala ng 14 noong Sabado at 17 kahapon kung kaya pumalo na sa 1,377 (3.15%) ang death toll ng COVID-19 sa Bicol.

Sa 17 kahapon, sampo ang mula sa Camarines Sur, lima sa Naga City at dalawa sa Sorsogon habang sa 14 naman noong Sabado, 11 ang mula sa Camarines Sur at tatlo sa Sorsogon.

Samantala, 156 ang mga bagong kasong nadagdag kung kaya pumalo na sa  43,661 ang total confirmed cases kung saan 12,164 (27.86%) pa nito ang aktibong kaso.

Sa huling ulat kahapon, pinakamaraming kaso ang nadagdag sa Catanduanes na umabot sa 54 kung saan 15 ay mula sa Caramoran at San Andres, 12 sa Virac, tatlo sa San Miguel, tigdadalawa ang Bagamanoc, Panganiban at Viga at tig-iisa ang Bato, Gigmoto at Pandan.

Ang Albay ay nagtala ng 41 bagong kaso kung saan 18 nito ay mula sa Legazpi City, 11 sa Santo Domingo, lima sa Tabaco City, tatlo sa Daraga at tig-iisa ang Bacacay, Guinobatan, Ligao City at Oas.

25 ang mga bagong kaso sa Camarines Sur kung saan anim ang mula sa Pili, tigdadalawa ang Baao, Calabanga, Canaman at Naga City at tig-iisa ang Buhi, Bula, Iriga City, Magarao, Minalabac, Nabua, Ocampo, Pasacao, San Fernando, San Jose at Tinambac.

24 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan tig-aapat nito ang Casiguran, Santa Magdalena at Sorsogon City, tatlo sa Prieto Diaz, tigdadalawa ang Gubat, Irosin at Pilar at tig-iisa ang Bulan, Donsol at Magallanes.

Walo ang bagong kaso sa Masbate kung saan apat nito ay mula sa Balud at tig-iisa ang Baleno, Esperanza, Masbate City at San Jacinto habang apat naman ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tatlo ang mula sa Daet at isa sa Vinzons.

Sa tala naman noong Sabado, 43 ang mula sa Camarines Sur, 41 sa Albay, 20 sa Catanduanes, 16 sa Sorsogon, isa sa Camarines Norte, zero case ang Masbate at mayroong isang nagpositibo na mula sa San Vicente, Northern Samar.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *