Libreng wi-fi sa LGU-Reina Mercedes, ipinagkaloob ng DICT

Ipinagkaloob ng Department of Information Technology Isabela ang libreng wifi sa Local Government Unit ng Reina Mercedes, Isabela.

Nagkabit ng free internet connectivity ang ahensya sa mga opisina ng Municipal Gymnasium, MSWDO, at Municipal Plaza.

Sinabi ni DICT Isabela Head Cirrilo Gazzingan Jr. na ang free internet service ay kabilang sa kanilang free wifi for all project.

Magpapatuloy umano sa lahat ng LGU sa lalawigan ang naturang proyekto kung saan kabilang din ang pagpapatayo ng TECH4ED centers.

Layunin nitong mabigyan ng sapat na internet service ang mga LGUs na makatutulong sa kanilang trabaho maging ng mga estudyante na magtutungo rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *