BBM – mas maraming economic activity ang malilikha ng Metro Manila Subway Project

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang groundbreaking ceremony para sa dalawang istasyon ng Metro Manila Subway Project sa Pasig City.

Ang Contract Package 104 (CP104) sa Ortigas at Shaw Blvd. stations ay bahahi ng 33-kilometrong Metro Manila Subway Project Phase 1.

Inaasahang sa pagtatapos nito sa 2028 – aabot sa humigit-kumulang 150,000 na mga pasahero ang makakabenepisyo rito kada araw.

Ayon sa Pangulo, mula sa isang oras at kalahating biyahe mula Quezon City hanggang sa Manila Airport ay magiging higit trenta minutos na lamang sa oras na maging operational na ang subway.

Giit niya, makatutulong ito para mapaluwag ang bigat ng trapiko, at maibsan ang kalbaryo sa pagko-komyut ng mga mananakay.

Dahil dito, naniniwala si Marcos na mas marami pang mga oportunidad ang daragsa sa Pilipinasm ula sa mga mamumuhunan dahil sa mas mataas na economic activity.

Ito rin aniya ang magiging senyales sa mundo na may intensyon ang bansa na magbigay-ginhawa sa mga Pilipino.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *