Libu-libong halaga ng hindi dokumentadong narra, nasabat

Nasabat sa isinagawang operasyon ng kapulisan ang P21, 316 na halaga ng Narra sa Barangay Nabaccayan, Gattaran, Cagayan.

Nakatambak umano ang 426.33 board feet ng kahoy sa likurang bahagi ng bahay ni alyas Rudy.

Nang hinanapan ng kaukulang dokumento ay walang maipakita si alyas Rudy kung saan napag-alaman na wala ring license to operate ang shop nito.

Dahil dito, agarang inaresto si alyas Rudy na ngayo’y nasa kustodiya ng Gattaran Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *