Lider ng NPA at kasama, sumuko sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY — ISANG lider ng New People’s Army o NPA at kasama nito ang sumuko sa militar sa Sitio Dulunan, Barangay Wasay, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Lt. Col. Rommel Valencia, commander ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army ang dalawa na sina Nelson Dulungan, alyas Jerick, lider ng NPA Platoon West, Sub-Regional Command, Far South Mindanao Region, at kasamang si Arthur Masot.

Bitbit umano ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang garand at M14 rifles na may mga bala.

Bago pa man sumuko, responsable umano si Dulungan sa pag-organisa ng communist base sa bulubunduking bahagi ng mga bayan ng Palimbang, Kalamansig at Senator Ninoy Aquino, pawang mga bayan sa Sultan Kudarat.

Sinabi naman ni Dulungan na napilitan silang sumuko dahil na rin sa patuloy na military operation ng militar sa bulubunduking bahagi ng lalawigan.

Sumuko din umano ito upang makasama sa matiwasay na pamumuhay ang 10-taong gulang na anak nito.

(Photo Courtesy of 6th Infantry Division – Kampilan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *