‘Ligtas Paskuhan 2023’: Higit 2k PRO-8 cops ipinakalat

Nag-deploy ng mahigit dalawang libong uniform personnel ang Police Regional Office 8, upang mas palakasin pa ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng “Ligtas Paskuhan 2023”, at matiyak ang maayos at mapayapang pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.

Inatasan ni PRO8 Regional Director Brigadier General Reynaldo Pawid ang nasa 2,563 na kapulisan na tiyakin ang sigurad sa lahat ng simbahan, mga pangunahing lansangan, mga teminal, comercial establisments at iba pang mga lugar ng convergence sa rehiyon.

Kabilang dito ang mas mataas na police visibility at ang deployment ng mga preventive patrol at checkpoint sa mga strategic na lokasyon.

Bukod sa PNP mayroon din kabuuang 188 augmentation units mula sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas

Mayroon ding 209 force multipliers mula naman sa mga advocacy group ang na-deploy upang mas mapalakas pa ang saklaw ng seguridad, partikular na sa Community Firecracker Zones at Firecrackers display area.

Samantala, pinaigting rin ng PNP ang mga inspeksyon sa mga establisyemento na nagbebenta ng mga paputok at pyrotechnic device upang matiyak ang mahigpit na hakbang sa kaligtasan, sa pakikipagtulungan ng BFP at LGUs.

Ilan sa mga mahigpit na ipinagbabawal na paputol ang lampas sa 0.3 gramo ng pulbura at may hindi tamang piyus, kabilang ang Watusi, Picolo, Poppop, Five-Star, Pla-pla, Lolo Thunder, Atomic Bomb, Judas Belt, Goodbye Philippines, ngan Kweton,nagn iba pa.

Hinihimok naman ng opisyal ang publiko na manatiling vigilant at iulat ang anumang hindi pangkaraniwang pangyayari sa mga awtoridad. //MENG TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *