Limang bagong nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes may travel history sa mga lugar kung saan may mataas na kaso ng sakit

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Mercedes na pawang mayroong travel history sa labas ng Camarines Norte ang limang bagong nagpositibo sa COVID- 19 sa naturang bayan.

Batay sa opisyal na pahayag ng LGU na ipinalabas kahapon, ang mga ito ay nanggaling sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng sakit.

Si Bicol No 21497 ay isang 44 anyos na babae na taga Barangay Pambuhan na may travel history sa CALABARZON.  Walang nararamdamang sintomas ang pasyente.

Si Bicol No 21498  naman ay isang 49 anyos na lalake na taga islang Barangay ng Caringo at mayroon itong travel history sa  Metro Manila.

Mayroon itong comorbidity at may nararamdamang sintomas.

Mula rin sa Barangay Caringo si Bicol No 21500, isang 47 anyos na lalake na mayroong travel history sa Metro Manila. Ang pasyente ay mayroong nararamdamang sintomas.

Si Bicol No 21501 ay isang 20 anyos na lalake na residente rin ng nabanggit na barangay at may travel history sa Metro Manila. Ang pasyente ay nakakaramdam ng pananakit ng katawan.

Ang mga bagong nagpositibo sa sakit ay pawang naka- isolate na sa Municipal Isolation Facility.

Si Bicol No 21499 naman ay isang 19 anyos na lalake na taga Barangay Matoogtoog na mayroong travel history sa Bulacan. Ang pasyente ay walang nararamdamang sintomas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *