KORONADAL CITY- DADALHIN ng Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG Koronadal ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels sa iba pang mga bayan sa South Cotabato matapos itong inilunsad sa bayan ng Surallah at TBoli.
Layon nito na mas mapalapit ang serbisyo ng Pag-IBIG sa mga miyembro at sa mga benepisyaryo.
Kabilang sa mga serbisyo sa ilalim ng Lingkod Pag-IBIG on Wheels ay ang updating at verification ng Pag-IBIG membership; pagtanggap ng housing, multi-purpose, at calamity loans; retirement o death claims; offsite enrollment at issuance ng Pag-IBIG Loyalty Card Plus; at program inquiries.
