Litrato ng isang babaeng Palestino, nanalong World Press Photo of the Year

Napalanunan ng photographer na si Mohammed Salem ang prestihiyosong 2024 World Press Photo of the Year award  para sa kanyang litrato ng isang Palestinong babae na yakap-yakap ang kanyang pumanaw na pamangkin.

Kinunan ang litrato noong Oktubre 17 sa ospital ng Nasser sa Khan Younis sa southern Gaza, kung saan hinahanap ng mga pamilya ang mga nawawala nilang kamag-anak na napatay sa pambobomba ng Israel.

Ngunit idiniin ni Mohammed na ang pagkapanalo ng kanyang litrato ay hindi dapat ipagdiwang, lalo na’t kasalukuyan pa ring nagigipit ang ilang Palestino sa nagaganap na hidwaan sa Gaza.

Sa kabila nito, pinahahalagahan niya ang pagkilala na ito dahil nagbigay ang parangal ng oportunidad na ipakalat ang kanyang mensahe sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *