Live-in partner pinasok habang natutulog, babae hinostage ng 3 oras

Kulungan ang bagsak ng lalaki matapos hinostage ang isang madre de pamilya sa Unity Drive , Valley Popcom, Brgy. Cabatangan pasado ala 01:15, Huebes ng madaling araw sa Zamboanga City.

Kinilala ang naturang suspek bilang si Rodelyn Gaspar, 29 anyos nakatira mula sa nasabing lugar.

Ayon sa PNP- Sta. Maria na pinangasiwaan ni PLT. Perlito Abbilani, nakatanggap sila ng sumbong bandang alas 02:00 ng madaling araw at agad na tumungo ang tauhan ng pulisya sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na pinasok ng suspek ang tahanan ng mag live in partner na sina Arvin Estrada Bulawin at Lovella Nazareno kung saan napag-alaman na dumaan ito sa bubong ng bahay at agad na nanutok ng matulis na patalim sa babaeng biktima.

Sa mismong oras , ay naisipang magsumbong ng lalaki ngunit sa pagbalik niya sa loob ng tahanan ay hawak na ng suspek ang kanyang live in partner habang nakatutok ang mga patalim.

Tumagal nang tatlo at kahating oras ang pakikipagnegosasyon ng Sta Maria Police 7  sa nasabing suspek.

Kasunod nito, nakuha mula sa suspek ang isang kitchen knife at gunting pagkatapos ang nangyaring panghohostage.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung sasampahan ng kaso ang suspek dahil sa kahilingan ng pamilya na isinailalim muna ito sa pagsusuriĀ  dahil di umano’y may problema ito sa pag iisip dala ng matinding problema sa kanyang pamilya. Guen Delos Santos/ Joey-Gilbert

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *