Lokal na midya, hinimok na mag-ulat ng mga banta sa Pulisya

Nagsagawa ng ‘radio station hopping’ ang ilang miyembro ng Sorsogon Police Provl Office at hinimok ang mga lokal na media practitioners na iulat ang anumang pagbabanta tungkol sa kanilang trabaho para mabigyan nila ng nararapat na interbensyon.

Layunin ng nasabing aktibidad na maiwasan ang parehong insidente na nangyari sa isang media practitioner sa Mindoro.

Sa Media Security update; na itinatag noong nakaraang taon, lahat ng information officer at chief of police sa rehiyon ay itinalaga bilang focal officers sa media security at magiging responsible sa pamamahala sa anumang banta na matatanggap ng media.

Kapag nakumpirma na ang pagbabanta, ire-refer ang kaso sa Regional Intelligence Division upang matukoy ang pinagmulan ng banta.

Depende sa sitwasyon, ang hepe ng pulisya ng istasyon kung saan iniulat ang pagbabanta ay magdedesisyon kung anong tulong ang ibibigay.

Kamakailan lang ay naiulat ang pangatlong media killings sa ilalim ng Marcos Jr. administration sa Calapan, Oriental Mindoro kung saan ang biktima ay nakilalang si Cresencio Bunduquin.

Ang una ay si Rey Blanco ng Negros Oriental noong Setyembre 18 at sinundan ito noong Oktubre 3 sa Las Pinas kung saan ang biktima ay si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *