100% o higit pang rices suffiency rate, makakamit ng PH kapag naging matagumpay ang farming mechanisms

Umaasa si Pangulong Bongbong Marcos na maaabot ng Pilipinas ang 100% rice sufficiency o mas mataas pa kung ang ipinatutupad na farming mechanism ay magiging matagumpay.

Ayon kay Marcos, ang goal na ito ay makakamit sa pamamagitan ng farming lands at mechanization ng pamahalaan na kamakailan ay inilunsad sa South Cotabato.

Dagdag pa niya, kapag naging matagumpay ang plano, buong bansa ang makikinabang.

Sa huli, inihayag ng Pangulo na ang murang pagkain pa rin ang tanging magpapalaya sa bansa mula sa gutom.

Dahil dito, naglulunsad umano ang gobyerno ng ganitong klaseng mga programa sa mga agricultural regions. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *