Lola, patay matapos malunod sa Bauan, Batangas

BAUAN –Isa nang malamig na bangkay ng matagpuan ang isang 72-anyos na lola matapos na umano’y malunod sa dagat sa Brgy. San Miguel, Bauan, Batangas noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Maria Ligaya Balitaan na residente ng Aplaya, Bauan, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng Bauan Municipal Police Station, pinaniniwalaang nalunod ang biktima habang naliligo sa dagat.

Base sa pahayag ng mga kamag-anak nito, pumunta umano sa dagat ang biktima para maligo bandang alas-10 ng umaga noong Linggo.

Makalipas ang mahigit isang oras ay hindi pa nakabalik ang biktima kaya hinanap na nila ito sa tulong ng mga tauhan sa barangay officials.

Natagpuan na lamang ang bangkay nito bandang alas-5:00 ng hapon ng dalawang mga kalalakihang naliligo sa dalampasigang bahagi ng Brgy. San Miguel ng naturang bayan.

Nakatakdang isailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima kasabay sa ginagawang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *