1 patay, 1 sugatan sa vehicular accident sa Naguilian Isabela

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang angkas nito matapos masangkot sa akisdente sa provincial road na sakop ng Brgy. San Manuel Naguilian, Isabela noong gabi ng Linggo, July 12, 2021.

Kinilala ang nasawi at drayber ng single motorcycle na si James Galotera, 24 anyos, may asawa habang kinilala naman ang angkas nito na si Jayson Tabaňag, 24 anyos na kapwa mga residente ng Brgy. Dipaloda, Angadanan,Isabela .

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PSSgt. Charlie Capuchino, imbestigador ng PNP-Naguilian, galing umano si Galotera kasama angkas nito sa San Mariano, Isabela at pauwi na ng Angadanan nang mangyari ang aksidente.

Aniya, nang makarating sila sa pinangyirahan ng insidente ay hindi umano nakontrol pa ni Galotera ang manibela ng minamanehong motorsiklo sa pakurbang bahagi ng daan dahilan upang dumiretso ito sa kabilang linya at mabangga sa concrete railings.

Dahil sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon pa sa daan ang dalawang sakay ng single motorcycle.

Dagdag pa ni PSSgt. Capuchino, inamin umano ni Tabaňag na nasa impluwensiya sila ng nakalalasing na inumin.

Nagtamo si Galotera ng malubhang sugat sa katawan na nagresulta ng kaniyang kamatayan habang nilalapatan ng lunas sa hospital ang angkas na si Tabaňag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *