FranSeth, busy sa upcoming movie na ‘My Future You’

Sa kabila ng mga natatanggap nilang intriga, nanatiling tahimik ang FranSeth love team, na binubuo nila Francine Diaz at Seth Fedelin.

Focus muna kasi ang dalawa para sa kanilang preparasyon sa paparating nilang pelikula na ‘My Future You.’

Kabilang sa mga isyung kinasasangkutan ng dalawa ang pagsasalita ng singer-actress na si Jayda Avanzado.

Nang tanungin kasi ito kung niligawan ba siya noon ni Seth, ang tanging sagot lang ni Jayda ay “No Comment.”

Dagdag pa rito ang ang pagbunyag ni Jayda na hindi na sila nag-uusap ni Francine, na ikinagulat ng marami dahil sa pagkakaalam ng publiko ay malapit na magkaibigan ang dalawa.

Sa kabila nito, handa naman daw siyang i-reconcile ang kanyang friendship kay Francine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *