LPA at Habagat magpapaulan sa Luzon – PAGASA

Magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 1,325 km East ng Central Luzon.

Habang Southwest Monsoon o habagat naman ay nakakaapekto sa western sections ng Northern at Central Luzon.

Dahil ito asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Pangasinan, Zambales, at Bataan bunsod ng Southwest Monsoon.

Posible ang flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan kaya pinag-iingat ang mga residente sa mga hazard prone areas.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *