Russia: Nuclear weapons, maaring gamitin lang sa ‘emergency circumstances’

Binigyang diin ni Russia’s foreign ministry na gagamitin lang ng Moscow ang kanilang nuclear arsenal sa mga “emergency circumstances” kaya, wala rin umano silang interes na magkaroon ng direct confrontation sa NATO at s United States.

Una na nang sinabi ng defense minister, na hindi na kailangang gumamit ang Moscow ng nuclear weapons sa kanilang military campaign sa Ukraine, kasabay ng paglalarawan sa espekulasyon ng media na pagdeploy ng nuclear o chemical weapons sa naturang gulo ay “absolute lies.”

Ayon kay Foreign Ministry spokesman Ivan Nechaev, gagamitin lang ang nuclear weapons bilang “response” measure.

Dagdag nito, na batay sa Russian military doctrine, pinapayagan lang ang nuclear response bilang tugon sa mga banta ng mass destruction, o kung ang very existence ng bansa ay threatened.

Sa madaling salita para kay Nechaev, ang pag-gamit ng nuclear arsenal ay bilang self-defense at sa panahon ng mga emergencies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *