LPA magpapaulan sa Visayas, Bicol Region, at MIMAROPA

Maapektuhan ng Low Pressure Area (LPA) ang isang bahagi ng lugar sa bansa ngayong araw.

Sa pagtaya ng PAGASA huling namataan ang LPA  sa 190 km North Northeast ng Virac, Catanduanes o 340 km East ng Infanta, Quezon.

Magdudulot ito ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas, Bicol Region, at MIMAROPA.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Pinag-iingat pa rin ang mga residente sa mga posibleng mga flash flood o landslide sa panahon ng malakas na ulan dulot ng thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *