LTFRB, inaprubahan ang P1 provisional fare hike sa PUJ sa Metro Manila, Regions 3, 4

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang P1 provisional increase sa minimum fare ng public utility jeepneys.

Saklaw sa fare hike ang mga jeepney na bumibiyahe sa Metro Manila, Region 3 at Region 4.

Matatandaan na noong 2018, pinayagan ng LTFRB ang P10 minimum fare nang pumalo ang presyo ng diesel sa P40 per liter, pero naibalik naman ito sa P9 nang bumaba ang pandaigdigang presyo matapos ang ilang buwan.

Ngayon umano na nagbebenta ang mga oil companies ng gasolina at diesel na mahigit doble sa presyo noong 2018, makakatulong transport groups ang P1 increase.

Mababatid na ang final hearing sa hiwalay na petisyon para sa P6 fare hike ay itinakda rin sa katapusan ng buwan. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *