High-Value Individual  at miyembro ng “Arnel Zaes Drug Group”, arestado sa Tiaong, Quezon

Naaresto ng mga awtoridad ang isa sa tinaguriang High-Value Individual at miyembro ng “Arnel Zaes Drug Group” sa isinagawang buy-bust operation sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ng Tiaong Municipal Police Station ang suspek na si Roniel Nuñez Aguila na mas kilala sa alyas na “PUNGAY”, 39 anyos at residente ng Sitio Mabato Brgy. Ayusan 1 sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, alas-9 ng gabi ng Hunyo 8 ng maaresto ang suspek sa operasyon ng Drug Enforcement Unit ng nasabing himpilan.

Narekober mula dito ang apat na pakete ng pinaghihinalaang Shabu na may tinatayang timbang na aabot sa 6.21 na gramo at presyo na tinatayang aabot naman sa P126,684 kasama pa ang P1,000 na perang ginamit sa operasyon.

Itinuturing din na pangunahing suspek si Pungay sa pagpatay kay Michael Dela Cruz Garcia noong Marso 22, 2022.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng Tiaong Municipal Police Station ang suspek at mahaharap sa mga kasong ipapataw dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *