LTFRB: Mas dumami na commuters araw-araw; Bilang ng mga bus di na sapat

Ibinunyag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi bababa sa 400 buses lang ang kasalukuyang nag-ooperate sa Edsa Busway o tinukoy bilang Edsa Carousel, na nagsisilbi ng hanggang 182,000 pasahero araw-araw.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, nagtala ang ahensya ng 182,000 pasahero noong Lunes, mas mataas umano ito mula sa 41,000 ridership na naitala noong Marso.

Sa gitna nito, nasa 400 bus units lang ang tumatakbo sa mga ruta mula sa 550 authorized units, kung saan 428 dito ay binigyan ng special operating permits.

Aminado si Delgra na dumadami na ang mga pasahero, at dahil na rin sa libreng sakay, humahaba ang pila ng mga pasahero sa Edsa na kailangang agad na matugunan.

Dahil dito, kokonsulta ang LTFRB sa IATF kung papayagan nang taasan ang capacity ng mga buses para maraming pasahero ang makakasakay sa isang biyahe. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *