Health official, doctors’ group, itinangging 100% full na mga ospital sa Bicol region

Itinanggi ng opisyal ng Health Department at grupo ng mga doktor ang naunang claim na 100% full na ang mga ospital sa Bicol Region, kasunod ng surge sa COVID-19 cases sa mga nakalipas na linggo.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, nakausap niya ang ilang doktor at local officials kaugnay sa sitwasyon ng COVID-19 sa naturang rehiyon, kung saan nadiskubreng may mga lugar na may pagtaas sa bilang ng active cases, pero ang ICU rate ay hindi pa nasa critical level.

Pabor rin sa pahayag si Dr. Ricardo Isip, governor ng Philippine Medical Association for Bicol Region at sinabing ang bed occupancy ay hindi pa naman 100 percent, pero iginiit na ang healthcare utilization rate ay hindi lang basta ibabatay sa bed occupancy, kundi maging sa availability ng health workers.

Matatandaan na sinabi ni Dr. Eloisa Pornillos, presidente ng Philippine College of Physicians – Bicol chapter, na 100% nang puno ang mga pribado at pampublikong ospital sa Bicol region.

Sinalag rin ito si Sorsogon Governor Francis Escudero at iginiit na ang occupancy rate ng quarantine facilities sa kanilang lalawigan ay nasa 38% lang habang ang COVID-19 beds ay nasa 56%. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *