Luxury resort sa Singapore, na-hack ang data ng kanilang customers

Na-hack ang personal data ng nasa 665K customers ng isang luxury resort sa Singapore.

Ayon kay Paul Town, Chief Operating Officer ng resort, gumugulong na ang imbestigasyon nang madiskubreng may third party na naka-access ng personal information ng mga miyembro ng rewards program ng Marina Bay Sands.

Kasama sa mga datos na nakuha ay ang pangalan, email address, phone numbers, bansa kung saan sila nakatira, at ang kanilang membership number.

Sinabi ni Town na batay sa kanilang pagsisiyasat, wala pa namang silang nakuhang ebidensya na ginamit ang impormasyon ng kanilang customers.

Pinaiigting naman ng pamunuan ng resort ang cybersecurity nito upang hindi na maulit ang pangha-hack ng kanilang sistema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *