Luzon Grid – muling isinailalim sa yellow alert status dahil sa pagnipis ng kuryente

Muling inilagay sa yellow alert status ang Luzon Grid dahil sa pagnipis ng suplay ng reserbang kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sumailalim ang naturang grid sa yellow alert simula kaninang ala-una ng tanghali hanggang alas-kuwatro ng hapon.

Sumipa kasi sa 12,222 megawatts ang peak demand ng kuryente, habang ang avaialble capacity ay 12,705 megawatts lamang.

Bago ito, una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na asahan na ang hanggang sa 15 beses na pagsasailalim sa yellow alert status ng Luzon Grid.

Samantala, tinatayang aabot naman sa humigit-kumulang 500,000 MERALCO consumers ang nakaranas ng power interruptions sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig na mga Lalawigan.

Sa advisory ng MERALCO – nakaranas ng ‘automatic load dropping (ALD) kaninang maga-alas-onse ng umaga nang dahil sa ‘tripping’ na nagresulta sa decrease ng 396 megawatts na suplay ng kuryente.

Ilan sa mga naapektuhan ng power interruption ay mula sa bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at sa Quezon.

Samantala, in-activate na ng MERALCO ang ‘interruptible load program’ o ILP bilang tugon sa muling pagsasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid sa yellow alert.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *