LVOC ng Olongapo nagpaalala na mga nakapagparehistro lamang ang tatanggapin sa vaccination site

Nagpaalala ang Local Vaccination Operation Center o LVOC ng Olongapo sa mga magpapabakuna kontra covid-19.

Ito ay dahil ang tatanggapin lamang sa vaccination site ay ang mga indibidwal na nakapagrehistro at mayroong schedule sa LVOC.

Ipinagbabawal kasi ang walk-in para maiwasan ang mass gathering sa site na maaaring pagmulan ng hawaan ng virus.

Samantala, ngayong linggo ay target matapos ang pagbabakuna sa mga senior citizen at persons with comorbidity para maisunod ang iba pang nasa priority group.

Ang mga Overseas Filipino Workers naman ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa Local Vaccination Operation Center para sa schedule.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'SHOP NOW! Lazada Protect your IMMUNE SYSTEM 100 Capsules ASCORBIC ACID (as CalcumAscoate) Calcium GUARD-C 500m 500 Capsue VITAMIN Û.an ASCORBIC ACID GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *