Pagbabakuna sa mga senior citizen at persons with commorbidities sa Olongapo, tatapusin ngayong linggo

Pipilitin ng vaccination team na mabakunahan kontra corona virus disease ang lahat ng senior citizen at persons with commorbidities ngayong linggo.

Ito ay para maumpisahan na ring bakunahan sa unang linggo ng Agosto ang mga kabilang sa kategoryang A4 priority group o ang essential sectors.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, matagal na naantala ang pagbabakuna sa Olongapo pero dahil sa pagdating ng halos walong libong Johnson&Johnson vaccine ay madaling matatapos ang A2 at A3 priority group.

Tulad ng halos lahat ng siyudad sa bansa, pinakarami ang bilang ng mga A4 na kailangang bakunahan kumpara sa ibang mga sektor.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE "Linis Tiyan, Sexy Tiyan" RISK STUDY FINDS OBESITY ITSELF RAISES RISK OF DIABETES AND CARDIOVASCULAR DISEASE! HAPPY NUTRITION MONTH! Source:HEALTH.CLEVELANDCLINIC.ORG'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *