Mag-iina, minasaker ng sariling ama sa Thailand

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang ina at dalawang anak nito sa kanilang tirahan matapos paslangin ng kanilang ama na nagtangka ring kitilin ang sariling buhay sa Bangkok, Thailand.

Kinilala ang suspek na si Sanit Dokmai, na pinatawan ng premeditated murder o pinaghandaang pagpatay matapos na makita ng mga pulis biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga ito.

Sa pahayag ni Local Police Chief Rangsan Kamsook, hinihinalang sangkot sa loan scam ang misis ng suspek na nagtulak para planuhin ni Dokmai ang karumaldumal na pagpatay sa kaniyang pamilya.

Samantala, nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang nasabing suspek habang hinihintay na gumaling matapos magtamo  ng mga sugat sa lalamunan dulot sa tangkang pagkitil sa sarili niyang buhay. ### 𝗝𝗒𝗛𝗑𝗒𝗔𝗛 π— π—”π—˜ 𝗔. π—­π—˜π—£π—˜π——π—”, π—œπ—»π˜π—²π—Ώπ—»

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *