Magkakapatid na maintainer ng drug den, arestado; 15 gramo shabu nasamsam

Arestado ang tatlong magkakapatid na kapwa mga fish vendors sa isang drug den sa Purok 3, Brgy. Sirangan, Sorsogon City dakong alas 3:00 ng hapon, Setyembre 4.

Kinilala ang mga ito na sina Rizaldy Cadag Detera a.k.a. “Zalding”, 38 y/o at Cesar Cadag Detera Jr a.k.a. “Aga”, 39 y/o kapwa binata at  Rex Cadag Detera, 35 y/o, may asawa lahat naninirahan  sa nasabing lugar.

Nasamsam dito ang mahigit-kumulang 15 gramo ng shabu na may DDB value na P102K.

Ayon sa PDEA drug enforcement units, ang magkakapatid ay nasa kanilang listahan bilang mga high value individuals (HVI).

Sa pahayag sa Brigada News ng hepe ng PDEA-Sorsogon na si Adrian Fajardo, sinabi nito na nadiskubre nila ang drug den habang nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng case surveillance at validation sa nasabing lugar kaugnay sa kaso ng droga sa lungsod.

Bunsod nito, nanawagan si Fajardo sa publiko na ipagpatuloy lamang ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad upang mas mapaigting pa nila ang kanilang  kampanya laban sa iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *