Mahal na pamasahe sa Bicol International Airport, planong ibaba – Gobernador ng Albay

LEGAZPI CITY – Umaabot sa ngayon mula limang libumpiso hanggang siyam na libumpiso ang pamasahe sa Bicol International Airport (BIA) patungo Manila vice versa.

Ayon kay Albay Gov Noel Rosal, nais nitong maibaba pa ang pamasahe na sumasakay sa eroplano patungong Maynila o pabalik ng lalawigan sa nasabing airport.

Target ng pamahalaang panlalawigan na gawing mula dalawa hanggang tatlong libumpiso lamang ang pamasahe sa paliparan.

Hindi lang naman umano mga Albayano ang pasahero rito kundi maging ang mga mula Sorsogon, Catanduanes at Masbate ay sumasakay sa BIA. Naniniwala ang gobernador na sa oras na maibaba ang pamasahe ay mas marami ang tatangkilik at dadami pa ang turista sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *