3 pambato ng Albay na sumabak sa Idol World Philippines, kinilala ng pamahalaang panlalawigan; Albayano, kampeon sa national youth and schools chess championship grand finals 2022

LEGAZPI CITY – Kinilala ngayon ng pamahalaan panlalawigan ng Albay ang tatlong pambato na sumabak sa Idol World Philippines nito lamang Setyembre 23, 2022 sa Palacio De Manila.

Ang mga nagwagi ay sina Giro Leodel Nuda, labing-anim na taong gulang, residente ng Brgy. 1 EM’s Barrio, Legazpi City bilang Junior Idol World Philippines 2nd runner up.; Mini Miss Junior Idol world Philippines, Precious Ashley Pajes Benedito, walong taong gulang at residente ng Brgy. Bigaa Legazpi City, bilang 2nd runner up; habang si Marcius Derek Miranda labing apat na taong gulang, residente ng Brgy. Kilicao, Daraga, Albay bilang Junior Idol World Philippines Mister Teen Grand Winner 2022.

Samantala, muling nasungkit ni Bince Rafael Operiano ang championship na pambato ng Albay boys under 9 category ng National Youth and Schools  Chess Championship Grand Finals 2022 noong Sept 16-23 sa Dapitan City Cultural Sports Complex, Zamboanga Del Norte.//

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *