Maharlika Investment Fund Bill – kaagad lalagdaan ni PBBM

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na kaagad niyang pipirmahan para maging isang ganap na batas ang Maharlika Investment Fund Bill sa oras na makarating na ito sa kanyiang tanggapan.

Sa media interview ngayong umaga, sinabi ng Pangulo na ang kapalaran naman ng kauna-unahang sovereign fund ng Pilipinas ay babagsak pa rin sa mga managers nito.

Muli ring tiniyak ni Marcos na dapat ay mag-operate ito nang independent mula sa Gobyerno, at mapapamahalaan ng mga professionals.

Sa katunayan, siya pa raw ang nag-propose na alisin siya bilang part ng MIF Board.

Hindi rin daw ito mababangkarote lalo na kung hindi naman mga kurakot ang ilalagay bilang fund managers nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *