Senate Minority Leader Pimentel – muling umapela sa Pangulo na i-veto ang MIF Bill

Isang ‘ill-conceived law’.

Ganito inilarawan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang Maharlika Investment Fund Bill kasabay ng muling panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na i-veto ang panukala.

Idiniin ng Senador na inamyendahan ang MIF Vill nang walang sapat na debate sa plenaryo, mula sa orihinal na naaprubahan sa BiCam.

Aniya, ang ‘enrolled bill’ na nilagdaan at ita-transmit sa Office of the President ay hindi naman ‘yung bersyon na inaprubahan ng Kamara.

Kung maaalala, nilagdaan na ni Senate President Migz Zubiri ang ‘enrolled bill’ ng MIF.

Ito ay makaraang baguhin ang ilang probisyon ng panukala, kabilang na ang sections 50 at 51 nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *