Mahigit 100 PCG personnel, positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang mahigit 100 tauhan ng Philippine Coast Guard.

Ayon sa PCG, isinailalim na ang national headquarters nito sa temporary lockdown mula January 10-14 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Kasama na rito ang Office of the Deputy Chief of Coast Guard staff for Comptrollership (CG-6), Coast Guard Public Affairs, at Coast Guard Finance Service.

Inihayag ng PCG na mero rin personnel na naka-deploy sa one-stop shops ng gobyerno, ang naapektuhan ng COVID-19.

Tiniyak naman ng ahensya na nabigyan ang mga infected na tauhan nito ng medical assistance, at may mga pumalit kaagad sa mga pwesto nito upang hindi maantala ang kanilang operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *