DepEd, ipauubaya sa school division ang desisyon sa class suspensions

Ipinauubaya na ng Department of Education sa desisyon ng regional at schools division offices ang pagsuspinde ng mga klase at iba pang teaching-related activities ngayong January sa gitna ng surge ng COVID-19 cases.

Sa memorandum na pinirmahan nitong Miyerkules ay sinabi ng DepEd na pwedeng gumawa ang regional at school division offices ng sarili nitong assessment sa health status ng kanilang mga guro at learners.

Sinabi rin na pwede nilang pagbasehan ang IATF risk classification para sa pagdedeklara sa suspensyon ngayong January 2022.

Ipinunto ng DepEd na oras na ipatupad ang suspensyon ng mga klase ay ititigil ang lahat ng synchronous at asynchronous classes, habang ire-reschedule naman ang lahat ng submissions ng academic requirements at iba pang teaching-related activities.

Iginiit naman ng ahensya na kailangan ay magkaroon ng konsiderasyon sa late submissions ng requirements kung meron valid reason.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *