Mahigit 1,000 mag-aaral sa 63 day care development centers sa Daraga, Albay, magiging libre na

LEGAZPI CITY – Aabot sa 1800 na mga mag-aaral sa 63 na Day Care Development Centers sa bayan ng Daraga, Albay ang libre na sa tuition o participation fee ngayong school year 2022-2023.

Ayon sa Municipal Welfare and Development Office (MSWDO) ng nasabing bayan, bago ang implemetasyon ng  Early Childhood Care and Development (ECCD) program, nagbibigay pa ng 70 pesos bawat buwan ang mga magulang sa mga anak na nakaenroll bilang kanilang participation fee.

Sa Albay, ang munisipyo ng Daraga lamang ang may 100% pagdating sa implementation ng nasabing programa kung saan lahat na 63 Day Care Development Centers sa 54 na barangay ang pwede nang mag-avail ng libreng pag-aaral sa mga anak na  3-4 taong gulang.

Maliban pa rito, may free tuition o participation fee na kailangang siguradohin ng barangay na mabigyan ng supplies at iba pang improvement needs sa mga day care centers na pwede nilang i-charge sa  1% Local Councils for the Protection of Children (LCPC) o sa Gender and Development (GAD) budget. Samantama, nilinaw ng MSWDO na kinakailangang mapagkasunduan ng mga magulang kung sakaling magkaroon ng mga kontribusyon sa pambili ng ilang supplies o gamit sa mga silid-aralan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *