Mahigit 11,000 mga bata sa Daraga, Albay, nabakunahan na sa MR-OPV SIA

LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit 11,000 na mga bata na may edad 0-59 motnhs sa Daraga, Albay ang nabakunahan na laban sa measles, rubella at oral polio sa isinagawang Measles, Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA).

Ayon sa Rural Health Unit (RHU) ng nasabing bayan, ito katumabas ng 98.91% kung saan 11,107 mula sa 11,229 na populasyon ang nabakunahan na.

Kampante naman umano sila na maabot ang 100% dahil sa pinalawig na bakunahan na magtatagal hanggang Hunyo 15, 2023.

Sa ngayon, patuloy na nananawagan ang tanggapan na pabakunahan ang kanilang mga anak ng nasabing mga bakuna upang sila’y maging protektado at makaiwas sa mga nabanggit na sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *