Mahigit 1,800 mga benepisyaryo nakatakdang tumanggap ng kanilang pay out sa DSWD educational assistance sa Sabado

SORSOGON CITY – Aabot sa 1,813 ang bilang na target beneficiaries na nakatakdang mag-claim ng kanilang pay-out sa educational assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa araw ng Sabado September 10, 2022.

Batay ito sa inilabas na anunsyo sa DSWD Bicol official facebook page.

Ang naturang mga benepisyaryo ay mula sa bayan ng Juban at Lungsod ng Sorsogon partikular na sa mga Barangay ng Bitan-o, Almendras Cogon, at Cabid-an.

Venue pa rin ng pay out ang Sorsogon Provincial Gymnasium kung saan paalala pa rin ng ahensya sa publiko na tanging mga nakatanggap lamang ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng text message mula sa kanilang tanggapan ang dapat na magpunta dahil ang mga ito lamang ang ipoproseso ng ahensya at hindi pa rin papayagan ang mga walk-in.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *