Mahigit 200 benepisyaryo sa bayan ng Sta Elena nakatanggap ng educational assistance mula sa DSWD

CAMARINES NORTE- Aabot sa 251 benepisyaryo ang nabigyan ng Educational Assistance para sa Senior High School sa isinagawang offsite pay out ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)  kamakailan sa bayan ng Sta Elena para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program

Ayon sa ahensiya nasa Php 753,000.00. ang kabuang halaga na naipamahagi.

Patuloy din umano ang pagbibigay ng DSWD ng Educational Assistance sa mga kwalipikadong senior high school

Galing umano ang listahan sa Lokal na Pamahalaan na bineberipika ng mga kawani ng ahensya sa pamamagitan ng proseso na sinusundan sa pagbibigay ng AICS.

Ang  AICS ay isa lamang sa mga social welfare services na ibinabahagi ng DSWD.

Layunin nito na tulungan ang mga mahihirap na sumasailalim sa krisis upang matugunan sa kanilang mga  pangangailangan.

Kabilang dito ang tulong medikal, pampalibing, transportasyon, cash assistance, educational  assistance at iba pang serbisyo.

(Photos: DSWD)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *