Mahigit 200,000 active paying members ng SSS sa bicol, inaasahang mag-avail ng calamity loan bago magtapos ang buwan ng Pebrero 2023

LEGAZPI CITY – Aabot sa 274,203 active paying members ang maaaring makapag-avail ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) bago magtapos ang buwan ng Pebrero sa taong 2023 at 114,217 social security and employees compensation pensioners ang maaaring magkaroon ng three-month advance pension sa Social Security System (SSS).

Ayon kay Jeanette Mapa, SSS-Legazpi communication officer, ang mga miyembro ng SSS at mga pensiyonado sa rehiyon na naapektuhan ng bagyong Paeng ay maaari nang maka-avail ng Calamity Assistance Package (CAP).

Aniya, ang mga benepisyaryo ng CAP ay ang mga mula sa Naga City, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Camarines Norte at Sorsogon.

Kasama sa CAP ang calamity loan at three-month advanced pension para sa mga kwalipikadong pensioner at maaaring itong ma-avail mula November 17, 2022 hanggang February 16, 2023.

Sinabi pa ng opisyal, ang mga miyembro ay maaaring humiram ng hanggang dalawampung libumpisong halaga ng calamity loan depende sa average ng kanilang buwanang salary credit sa nakalipas na labindalawang buwan.

Ito ay babayaran sa loob ng dalawang taon sa pantay na buwanang pag-install na may taunang rate ng interes na 10% at 1% penalty para sa mga huli na pagbabayad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *