Mahigit 250 katao sa Ireland, nagsuot ng ‘Lion costume’ para sa Guinness World Record

Aabot sa 252 na mga indbidwal sa bansang Ireland ang nagsuot ng “Lion costume” sa layuning maitala sa Guinness Book of World Records.

Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Wicklow at District Lions Club sa pakikipagtulungan ng mga mag-aaral at propesor mula sa kalapit na Dominican College upang mabuo ang nasabing bilang ng mga taong nakiisa sa nasabing attempt.

Ayon sa mga organizers, tanging 250 lamang sana ang kanilang target ngunit makaraang suriin ng pamunuan ng Guinness, umabot sa 252 ang bilang ng mga lumahok.

Dagdag pa ng mga ito, matagal na nilang nais maisakatuparan ang nasabing aktibidad ngunit na unsyami ito noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.### CARL SARZA, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *